Hinuha sa Hinaharap;D batch 2008-2009.the best!
Sampung taon na rin pala nang huli nila akong buksan.
Nakatutuwang isipin na hindi kayang burahin ng panahon ang mga pangarap na nakatatak sa mga pahina kong ngayo’y nanilaw na sa katandaan.Ang kanilang mga litrato, kakabit ng nais nilang marating sa buhay, natupad na kaya nila?Ano naman kaya ang itsura nila ngayon?Katulad pa rin kaya ng sa noon?
_______________________________________________________
Nakagugulat na muli akong dinampot sa aklatan ni Mr.Evangelista.Malaki ang pinagbago ng kanyang mukha.Mas tumikas din ang kanyang pangangatawan at higit pang gumilas ng kayang tinig
Saan kaya kami patutungo?Tila masyado atang sabik at humahangos si Kelvin.Ah, naalala ko na!Kaharap nga pala nila ako nang magpangakuan silang muling magkikita ngayong araw na ito
Hindi nagtagal at nakarating din kami sa Angono National High School.Hinanap agad niya ang mga mukha ng mga estudyanteng labis na nagpasabik sa kanya sa loob ng mahabang panahon
Ngunit wala- wala siyang nakita ni isa-at ang kasabikang naramdaman niya ay napalitan ng pangungulila.
Papauwi, dinaanan niya ang sikat na cinnamon shop na labis na tinangkilik noon.Panandali siyang nagpahinga at muling tinikman ang tinapay na gumayuma sa mga graduating class ng SY2008-2009.
Umupo siya sa waiting shed sa dating tambayang plaza at pilit hinanap ang dinala niyang financial report ng BIR.Pangulo na nga pala siya ngayon ng main branch nito.
Sa kamalas- malasan, sa matagal na paghahanap, ako lang ang nakita niya.Waring nagkamali siya ng librong dinala.
“Kamusta na kaya ang mga ka’batch’ ko?”Bulong niya sa sarili.Binuklat niya ang mga pahinang tila bago pa rin sa kaniyang paningin.
“Ah, si Edmond Guillang at Albert Reponcion!Mga architecture na nga kaya sila ngayon?Kamusta naman kaya si Jhesed?Natuloy kaya siya sa UP Manila?Eh yung mathematician naming si Arjohn Silvestre?Civil Engineer na kaya?”
Nakita niya rin doon ang napakagaling na Chess Player- si Marvin.Maging si Glen na isa ring Marvin, na mukhang magpapastor noong mga panahong iyon.Muli ring bumalik sa kanyang alaala ang mga naging dance group ng ANHS.Ang Dota Republic na inilalaban nina Luwelito’t Kennedy, at ang Chilli Stepper na pinangungunahan naman nina Arvie’t Oliver.
“Ang mga officers kaya ng CAT?Natuloy kayang maging mga pinuno rin ng bayan?Ano kayang nangyari kina Lorence Obalan, Michael Merced, at Phoebe Grace Larita?Napanindigan kaya nila ang pagiging mga Batalion Commanders?”
“Oo nga pala, sina Kristine May at Stephen, mga propesyunal ng mga manunulat.Nakawiwili ngang basahin ang “itanong mo kay de Borja, Sasagutin ni Espejon” portion ng Filipino Magazine.At hindi lang iyon, isinulat din nila sa Philippine Star ang mga pangalan ng mga pumasang attorney sa bar exam.Nandun nga si Charlie Ranido, at TOP NOTCHER pa!!At sina Paolo Laroya at ang ‘di pa gaanong bihasang si Loudeth Puyat,sa skul lang dati naming yun tumutugtog ah?Aba ngayon, may sarili ng sikat na mga banda. Ilang beses nga rin palang nabalita ang tungkol sa kasikatan nina Carlos Hernandez, Arquiel Cruz, Princess Anonuevo at Edelwina Miguel bilang mga artista ng dating College Musical- na ngayon ay Worker musical na.”
“Sikat na rin noon ang Fashion trend na pinatanyag ng mga modelong sina Kaylyn Allag, Vannessa Magalong at Ara Clarissa Frias.”
“Si Mark Abello naman, nagpasikat na ng bagong istilo ng pagluluto.Tinawag na itong Abello’s Style of Cooking.Inaprubahan naman ito ng DOH food technologist na si Hannah Ruth Tanlangco.”
“Naging panatiko na rin pala ako ng mga laban nina Quintal, Perez at Jaca.Ang kinikilalang “The Three Lebron James” ng PBA.Sana, muli kaming magkita-kita.Miss ko na sila.”
At napansin kong ang dating tigasi’t ‘di umiiyak na Kelvin ay nagbago na ngayon.Kumikislap ang kanyang mga mata.Gumigilid dito ang mga luha.At unti-unting tumulo sa akin ang mga Kristal na patak ng tubig.
Biglang may tumawag sa kanya.Isang pamilyar na boses na parang narinig ko na.
“…Nohj?Tsk.Tsk.Tsk.Kaiba ata ‘to?Hindi ka naman naleleyt sa mga usapan natin dati-rati ah?Kumpleto na ang tropa.Ikaw na lang ang hinihintay…”
“..Jhed..eh kayo nga diyan ang huli eh.Kanina pa ko nandito. Wala pa kayo.”
Oh?Bakit parang mangiyak ngiyak ata ang boses mo?Kumpleto na kaya kami rito sa Sunstrip.Papunta na tayo sa Divine Wind Village na matagal na nating pinapangarap.Nasa’n ka ba?Talaga naman…hanggang ngayon, may memory gap ka pa rin. Bilisan mo.Nang makaalis na tayo.”
________________________________________________________’
Pinaliwanag ng malaking ngiti ang kanyang mukha.At humangos kami sa lugar na pinag-usapan.Doon, saksi ako na ang kanilang mga pangarap ay natupad na.May mangilan-ngilan pa nga sa kanila ang nagkatuluyan pa.Ang galing.Ipinagmamalaki kong kahit paano’y parte ako ng batch na ito. Kahit isa lang akong libro.


